Friday, January 28, 2011

pusang puti? :))

Life is an art we are required to practice without preparation, a score we have play at sight even before we have mastered our instruments.                                                        ibang klase 'tong araw na 'to. :)) haha. okay, 'yun, binawi na yung mga nangyari nung tuesday. i'm so happy! ;))  
matagal ko nang gusto magka-experience na ma-late. XD it's true! natupad siya kanina, hahaha. kagabi 12 na akong nakatulog kakahanap ng styro na pwedeng maging base ng molecular geometry model namin for chemistry tsaka mababaliw na 'kong kakahanap sa soldering iron kong naglayas na ata kasi never ko siyang ginamit with eagerness, tsaka sa kung anu-anong mga utos na ewan ko kung may kuwenta ba o wala. tuwang-tuwa ako nung pinayagan ako ni mommy na magpa-late na lang e. oo, natutuwa ako. 8 quarter akong nakapasok, ang kaso sinabi ni ymmat na wala pala kaming chem kasi may holy hour. -.- yeah, right. okie lang. :D

tapos ayun, kung anu-ano na mga pinaggagawa ko, namin, nila, kung sinu-sino. :D di mo gets? ako rin e. basta yun, tawa lang ako nang tawa kasi nga masaya.

alam kong puro "hahaha" ang nilalaman. :)) saya kasi ehh.
thank you po sa araw na 'to. :)

Tuesday, January 25, 2011

itim na pusa

'eto na! binoblog ko na!

this day is being recorded as a special date. XD joke. hindi ko alam kung pa'no mapupunta ang lahat ng kamalasan sa isang araw, sa isang taong tulad ko. haha. i mean, ewan ko ba kung bakit nagkaganito.

mga 12 na rin ako natulog kagabi kasi gumagawa ako ng visual aids for my reportS. The Adventures of Tom Sawyer tsaka yung 46th na kabanata ng Noli, Ang Sabungan. first and last subjects. nakagasta ako ng anim na cartolinas para sa mga report na 'to, tapos paulit-ulit ako para maging presentable. 'yun naman 'yung kinalabasan. okay.

nag-alarm ako kaninang umaga ng 4:30 para magawa ko yung homework sa AP. nagising ako ng 3, pero hirap akong bumangon. sunod na gising ko ay 5:30. just in time para sa ordinary scheduled day, meaning andun na yung pagligo, pag-ayos ng bag, muni-muni kung anong kailangan pa sa school, etc. sumakay na si carl sa kotse nang maglabas siya ng AP notebook. may test nga pala. sinubukan kong hindi magpanic kasi pati yung homework ay sa school na ang bagsak. schoolwork na siya. ;)) sinubukan kong magre-cap nang kahit konti, may naalala pa naman ako.

nasa corridor na ako 'nun. tapos napatigil ako. nakalimutan ko yung visual aids. walang kwenta talaga. kung 'di ako nagpuyat para dun edi sana nagawa kong mag-aral tsaka gumawa ng kung anu-ano.

after morning prayer, report ko na. buti na lang kako partner ko si reimabel at willing siyang tumulong talaga. meron na ring isang linggo nang mabasa ko yung report ko. i know it's suckish. kung anu-ano yung mga nakwento ko sa mga kaklase ko at nagmukha akong tanga. ang daming nakalimutang details, parang tanga yung kinalabasan yung characters, ang daming unanswered questions. oyeah. nga pala, nandun na si ms ellen, gumagawa pa ako ng vocabulary words. -_-

di ako nagrecess. i had to study for the quiz. pinakopya nga pala ako habang hindi kami yung nagpperform sa chem kanina. :D nakasagot naman ako nang maigi sa quiz so okay lang yun.

di ako naglunch. gumagawa ako ng parang tangang mga visual aids. electronics time. wala akong soldering iron, soldering lead at sandpaper. nagpanic na ako. soldering iron lang yung naging kulang. nabali yung dulo ng PCB ko. o_o yes.

filipino time. napikit na ako. tuwing may quiz after the reporting, lagi akong two mistakes. kanina six.

uwian na. natutuwa ako kasi kasama ko si jowawibells e hindi ko namalayang iniwan na ako ng sundo ko. tumambay na lang ako kasama sina jc at nicole. and sir emil. :D

pag-uwi ko nakatanggap ako ng tawag. "bakit ngayon ka lang?!" blah, blah, blah, tapos, "sa susunod na gawin mo 'yan sasabunutan talaga kita!" *tooooot*. binaba yung phone. that was my mom. sermon ang abot ko.

may four hours pang natitira sa araw na 'to, kaya BRING IT ON! leche.

Friday, January 21, 2011

for a reason, nakatipid ako kaninang recess time.

my teeth ache. ang hirap kumain! ayoko nang magbratheth. :(( haha. mathki letter S hindi ko man lang mabanggit. oh well. may one year and three monthhhhh pa. haha. ayoko na talagaaaa. gutom na gutom na ako.

Thursday, January 20, 2011

si mamu ;)

that's my lola. :DD naalala ko lang uli siya kasi may narinig akong matandang babae sa kapitbahay na sinisigawan yung apo niya, "sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi ka man lang matutong..." blah blah blah. parang kami nun. ayun lang talaga. she's my mother's mother at parehas silang madisiplina. >.< haha. sa kanya ko rin natutunan maglinis ng bahay, mag-alaga ng bata, magsaing, tsaka kung anu-ano pang "pambabaeng gawain". sa kanya ko rin natutunang magbawas ng oras sa mga libangang "walang kwenta". sabi niya lahat yun. haha. 
nung Christmas vacation bumisita kami sa kanila sa probinsya, tapos nagulat ako. :)) 72 years old na siya pero kahit kelan hindi ko sa kanya nakita yung signs ng aging. XD hahaha. i mean, kayang-kaya pa niyang maggardening, bumiyahe kung saan-saan, makipagtawanan samin--minsan nga mambabara pa siya, basta yun. para siyang mga fourty lang. haha, promise! so ayun nga, bumisita kami, tapos nagulat na nga ako. parang nabawasan yung lakas niya, better yet ang tamang term ay nanghihina na siya. i think. basta hindi na tulad nun.

niloloko nga niya kami nun e. or i hope loko lang yun. sabi niya pagnamatay daw siya marami raw siyang pamana. XD baka raw masiyahan pa kami nun. syempre ang mga walangyang kapatid ko, "ohh. malapit na ba yun?" ang sarap talagang batukan. anyway, ewan ko kung bakit sabi siya nang sabi ng mga ganung bagay e ayoko namang mawala pa siya. :D siya kasi nalakihan kong lola, namatay na yung mommy ni daddy e.

minsan nga e, pinapirma siya nung kapatid ko sa parang slam book. "what is your happiest moment?" sagot niya, "yana's birth." i didn't know what to say.

masaya rin naman ako dahil masaya siya ngayon, tuloy ang pagmamahalan nila ni kuyang (yung lolo ko, asawa niya syempre). i know it's a weird name, hindi ko rin alam kung saan napulot ng mag-anak namin yung pangalang yun. so... yun nga. they're happy, i'm happy.

that's all, thanks. :))

Monday, January 3, 2011

Tula!

The world wasn't round and the sky wasn't blue
Until the day that I found you
Changing my sight to a beautiful view.








I met your eyes as time stood still
That explained everything that I feel,
Each day with you is a ride with such thrill.




As long as now you were always there
Always as cuddly as a bear. (Haha.)
I treasure the memories that we both share
That is always filled with love and care.






Photo credits
Verse 1: express.howstuffworks.com
          2: ryenn19-apieceheartofme.blogspot.com
          3: deviantart.com

HAHAHAHAHAHA