Monday, November 22, 2010

Storyang Kutchero

9pm sa Makati nung Sunday. Traffic. Wala kaming magawa, kaya kinuwentuhan ako ng kapatid ni Mommy. Mababaw ako e. HAHA. 'Eto:


May isang lalaking papauwi na galing sa kanyang trabaho. Pagod at nais nang makakain ng kanyang hapunan, gustung-gusto na niyang makauwi. Bumibyahe na siya at panatag ang loob na sasalubong ang kanyang asawang naghain ng paborito niyang pagkain.

Hindi naman traffic pero nang nasa daan na siya, may isang kotse sa likod niya na busina nang busina sa kanya. Tinignan niya ang bumubusinang kotse sa rearview at hindi ito pinansin ng mga ilang minuto. Tumigil ang pagbubusina. Magkasunod pa rin silang bumibiyahe at nagsimula na namang bumusina nang bumusina ang kotse sa likuran niya. Sinenyasan niya itong mauna na lamang sa kanya at pilit na ginagawa ito. Hindi nag-overtake ang kotse. XD Tumigil itong bumusina nang panandalian. Maya-maya, inulit nito ang dating gawain. Bumusina ito nang bumusina hanggang sa nainis na ang lalaki.

Pinarada niya ang kanyang kotse at ganun din ang ginawa nung isa pang kotse (HAHA).

"Bakit busina ka nang busina? Anong problema mo?"

"Kanina kasi sa likod mo may sasaksak sa'yo. Nawawala lang 'pag binubusinahan kita."

Boing.




'Eto pa isa.

Hapon na ng Sabado at malapit nang kumagat ang dilim. Kahit kailan ay hindi nagustuhan ng kutsero ang pag-uwi pagsapit ng dilim ngunit sa pagkakataong ito, inabot siya ng alas siyete. Binilisan niyang umuwi, kinakabahan, at hinahampas ang kabayo. Maya-maya ay nadaan sila sa kalsadang may nakahilatang aso.

"Pasakay naman," sabi ng aso. Nagulat ang kutsero at pinabilisan lalo ang pagtakbo ng kabayo.

Nang malayo, sila ay tumigil.

"Grabe," ang sabi ng kutsero, "ngayon lamang ako nakakita ng asong nagsasalita."

"Ako rin." Sabi ng kabayo.

3 comments:

  1. Hahaaaa! :D

    Ako din may kwento...

    Isang gabi maybe past midnight na yon... Si Mark naglalakad sa kalsada papauwi...

    Biglang may nagsalita sa likod nya...

    "Mark!" "Mark!"

    Lumingon sya sa likod pero wala namang tao. So patuloy syang naglakad ng bigla ulit may nagsalita...

    "Mark!" "Mark!"

    Lingon ulit sya sa likod... Wala naman... Nagmadali sya...

    "Mark!" "Mark!" "Mark!" "Mark!"

    Pabilis din ng pabilis ang boses... Hinahabol sya! Oh my!!! Pero wala naman syang makitang tao tuwing lumilingon sya sa likod. Oh my! Oh boy!

    Nadapa at natumba si Mark! At paglingon nya sa likod...

    Dinilaan ang mukha nya ng asong may miyak sa ilong!

    Nyak! Nyak! Miyak! :D

    ReplyDelete
  2. Nyay. Nakakatakot 'yung una O.o Wee. Yung pangalawa at yung kay sir TheRem nakakatawa :D Haha.

    ReplyDelete
  3. HAHA, thank you, Sir, Thea. :)
    Sir, kwento ka pa. XD

    ReplyDelete