Alexia. No, hindi ko siya pinsan. Hindi ko rin siya kaibigan, or kung sino man. Hindi nga niya 'ko kilala e. Yata. Libro 'yan. HAHA. Yeah, libro uli! :)) Nakatapos na naman ako, pero this time, true story. Alexia is a 14-year old Spanish girl who died of
Ewing's sarcoma, or most likely known as bone cancer. I was very much moved by this story. Throughout the battle, hindi siya nawalan ng
pag-asa kay God. Hindi nga raw nawala yung ngiti niya. Namatay siya nung December 5, 1985. Ayun. Share ko lang. Ang dami ko lang kasing natutunan sa kanya, tapos in the end, alam naman ng pamilya niya na dumeretso siya sa langit tapos masaya na naman rin siya kasama ang Diyos. Marami rin palang natuwa sa storya niya noon, kaso nga luma na. Sa totoo lang, ninakaw ko lang 'tong libro sa kapatid ni Mommy sa La Union pa, dinala ko pauwi. Sinubukan kong magsearch pa tungkol sa kanya kaso ibang language na yung mga nakikita ko. Spanish ata or Portuguese. Ayun nga. Alexia: A Story of Joy and Heroism in Suffering, Fr. Michael Monge. :DDDD
Photo credits:http://www.alexiagb.org/ Thank you so much. :D
 |
| Daddy ni Mommy, Angel |
Baguio. Unexpectedly (wow), nagpunta kami ng Baguio. HAHA. Nagcelebrate kami ng Christmas sa La Union nga, kaso sa ibang bayan, dun kami sa bahay ng ibang relatives nagpunta nung 25. Ang daaaaming food. Nahiya lang akong kuhanan ng picture lahat. Haha. After ng celebration, andun kami sa kitchen lahat, tapos nagtatawanan lang, then biglang may nagpasok ng idea na magBaguio raw. Sakto kasi katatanggap lang ng mga aguinaldo. Okay. Ayun, sasama lang daw yung may pera, then kkb, basta ganun. Tawa lang kami. Pagkauwi inisip ni Mommy, pano nga raw ba kung pumunta kami ng Baguio. May kasalanan nga pala ako. Ako kasi naglagay ng mga damit sa bag naming magkakapatid. Kulang-kulang pala. Hahahahaha, pero ang laking galit sakin ni Mommy. Nakakita siya ng pantalon ng bunso namin, ewan kung san pero nakakita nga siya tapos tuwang-tuwa yung iba kong mga kapatid. Parehas kami ng size ng kapatid ni Mommy kaya wa-problema ako. The next day edi punta nga kami. Ordinary bus. Ang saya ehh. :DD Binuksan ko lang yung bintana kasi ang lamig nga. Pinasara sakin ng kapatid ko tsaka ng ninang ko kasi ewan. Matutulog ata sila pero ang lamig daw. Lipat ako sa upuan ni Mommy. Bukas din naman yung bintana. Dun talaga ako nanginig. Pagbaba namin ng bus nagsimula na akong sipunin. Nalaman kong twelve degrees pala ang temperature. SM Baguio lang pakay namin.
'Yan lang mga naisip kong i-share. Ang dami ko nang nagawa pero wala pa rin akong idea pang-poem. Pshhhh. Mag-iisip na muna ako. Byeeee!
No comments:
Post a Comment