this day is being recorded as a special date. XD joke. hindi ko alam kung pa'no mapupunta ang lahat ng kamalasan sa isang araw, sa isang
mga 12 na rin ako natulog kagabi kasi gumagawa ako ng visual aids for my reportS. The Adventures of Tom Sawyer tsaka yung 46th na kabanata ng Noli, Ang Sabungan. first and last subjects. nakagasta ako ng anim na cartolinas para sa mga report na 'to, tapos paulit-ulit ako para maging presentable. 'yun naman 'yung kinalabasan. okay.
nag-alarm ako kaninang umaga ng 4:30 para magawa ko yung homework sa AP. nagising ako ng 3, pero hirap akong bumangon. sunod na gising ko ay 5:30. just in time para sa ordinary scheduled day, meaning andun na yung pagligo, pag-ayos ng bag, muni-muni kung anong kailangan pa sa school, etc. sumakay na si carl sa kotse nang maglabas siya ng AP notebook. may test nga pala. sinubukan kong hindi magpanic kasi pati yung homework ay sa school na ang bagsak. schoolwork na siya. ;)) sinubukan kong magre-cap nang kahit konti, may naalala pa naman ako.
nasa corridor na ako 'nun. tapos napatigil ako. nakalimutan ko yung visual aids.
after morning prayer, report ko na. buti na lang kako partner ko si reimabel at willing siyang tumulong talaga. meron na ring isang linggo nang mabasa ko yung report ko. i know it's suckish. kung anu-ano yung mga nakwento ko sa mga kaklase ko at nagmukha akong tanga. ang daming nakalimutang details, parang tanga yung kinalabasan yung characters, ang daming unanswered questions. oyeah. nga pala, nandun na si ms ellen, gumagawa pa ako ng vocabulary words. -_-
di ako nagrecess. i had to study for the quiz. pinakopya nga pala ako habang hindi kami yung nagpperform sa chem kanina. :D nakasagot naman ako nang maigi sa quiz so okay lang yun.
di ako naglunch. gumagawa ako ng parang tangang mga visual aids. electronics time. wala akong soldering iron, soldering lead at sandpaper. nagpanic na ako. soldering iron lang yung naging kulang. nabali yung dulo ng PCB ko. o_o yes.
filipino time. napikit na ako. tuwing may quiz after the reporting, lagi akong two mistakes. kanina six.
uwian na. natutuwa ako kasi kasama ko si jowawibells e hindi ko namalayang iniwan na ako ng sundo ko. tumambay na lang ako kasama sina jc at nicole. and sir emil. :D
pag-uwi ko nakatanggap ako ng tawag. "bakit ngayon ka lang?!" blah, blah, blah, tapos, "sa susunod na gawin mo 'yan sasabunutan talaga kita!" *tooooot*. binaba yung phone. that was my mom. sermon ang abot ko.
may four hours pang natitira sa araw na 'to, kaya BRING IT ON! leche.
Wow! Super haba! Teka sa bahay ko na lang itutuloy ang pagbabasa at uwing-uwi na ako. Laterz.... :)
ReplyDeleteSige ho, Sir. See ya later, alligat'er. :))
ReplyDeleteHalaa, grabe ang naging araw mo Yana. Buti na lang nakahabol pa ang visual aids mo sa English. Mahirap talagang mag-report kaya I know how you feel :D Heehee. Ang galing mo nga e. Nagawa mo lahat ng mga dapat gawin under pressure :) Tsaka ayos naman ang mga reportS mo kanina a. Aaand wag ka mag-alala. Lahat ng bad luck mo today will turn into good luckS tomorrow and forever more :D
ReplyDeleteJust hang on. :)
Sorry. Nobela ang comment :D
Touched ako e. :D Haha, thank you so very much, Thea. :D Alam kong mas naintindihan niyo pa ang buhay ni Mark Twain kesa kay Tom Sawyer, haha, joke. Thanks again. :D I can't help smiling, maraming salamat!
ReplyDeleteWala akong masabi... Grabe super duper mega busy ka pala sa araw na ito habang natutulog lang ako sa comlab! Heheee... Next time baka you need help, don't hesitate to wake me up. ;)
ReplyDeleteGood luck and always keep your cool... Gatas! (in Spanish: Leche) Heheee! :D
Hahaha, gatas! :D Sorry 'bout that.
ReplyDeleteThank you, thank you, thank you po. Sa susunod matutulog na rin ako, haha. Penge po ng pwesto sa comlab. XD Salamat po uli. :)